Pumalo na sa 4, 860 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang pinakamataas na active cases magmula noong Mayo a-3 2022.
Nakapagtala naman ang kagawaran ng 409 na bagong nahawa sa COVID-19.
Pinakamarami sa nahawa sa nakalipas na dalawang linggo ay nagmula sa Metro Manila na may 2, 585; sinundan ng CALABARZON na may 784 at Western Visayas na may 423.
Siyam naman ang nadagdag sa nasawi dahil sa COVID-19 na umaabot na ngayon sa 60, 476, habang 3, 631, 864 ang gumaling sa virus.
Sa kabuuan, 3, 697, 200 na ang nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.