Muling nakapagtala ng “Zero” COVID-19 cases ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na araw.
Ito’y batay sa datos ng PNP Health Service kaya’t napako sa 42,246 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.
Mula sa nabanggit na bilang ay bumaba pa sa 16 na lang ang aktibong kaso ng sakit sa hanay ng Pulisya.
Habang 1 naman ang naitalang bagong gumaling sa sakit kaya’t umabot na sa 42,105 ang kanilang total recoveries.
Nakapako naman sa 125 ang bilang ng mga nasawing Pulis dahil sa COVID-19.
Samantala, nasa 99.4 percent na ng kauuang hanay ng PNP ang bakunado na kontra COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)