Bumaba na sa 39 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Pinakamababa ito simula Disyembre 27 noong nakaraang taon.
Batay sa latest bulletin ng PNP health service, nakapagtala ang pnp ng bagong sampung kaso para sa kabuuang 48,797 cases.
Nakapagtala naman ng 21 bagong gumaling para sa kabuuang 48,630 recoveries.
Walang bagong nasawi kaya nananatili sa 128 ang mga pumanaw dahil sa Covid-19.