Pumalo na sa 43,603 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP Health Service ay makaraang makapagtala sila ng 436 na bagong kaso ng virus ngayong araw.
Mula sa nabanggit na bilang ay nasa 1,884 dito ang aktibong kaso ng virus.
Nasa 5 lamang ang bagong gumaling sa sakit kaya umabot lang sa 41, 594 ang total recoveries.
Habang nananatili naman sa 125 ang total death toll matapos walang naitalang bagong nasawi dahil sa virus. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)