Bumaba pa sa 86 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng PNP Health Service ang 19 na bagong gumaling sa sakit at 8 bagong kaso ngayon araw.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, lubhang malaki ang ibinaba ng bilang ng mga aktibong kaso ngayon kaysa sa 3,217 na naitala nuong Setyembre.
Dahil dito, pumalo na sa 42, 180 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP habang naitala naman ang 41,969 na total recoveries.
Habang nananatili naman sa 125 ang total death toll ng PNP sa COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)