Patuloy ang pagsirit ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Zambales.
Batay sa datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ang probinsya ng 36 na aktibong kaso habang 27 bagong kaso naman ang naiulat mula Disyembre 15 hanggang 21.
Maliban dito, tumaas din ang bilang ng mga nasasawi sa naturang viral disease, kung saan apat na pasyente ang namatay sa lugar sa kaparehong panahon.
Dahil dito, sumampa na sa 728 ang COVID-19 death toll sa lalawigan.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang Zambales ng 12,618 COVID-19 cases, kung saan 11,854 ang gumaling sa naturang sakit.