Balik sa pag-arte ang aktor na si JM De Guzman matapos nitong tumigil sa pag-aartista dahil sa mga personal nitong problema.
Gayunpaman, taliwas sa inaasahang pagbabalik sa pelikula at telebisyon, sa enteblado bumalik sa pag-arte si JM.
Tampok si JM sa musical play na Sweeney Todd na base sa 2007 Hollywood film na kung saan bumida si Johnny Depp.
Samantala, lubos ang pasasalamat ng ama ni JM sa suportang tinamasa ng anak mula sa mga nasa loob at labas ng showbiz.
Matatandaang kumuha ng certificate in theatre arts major in performance studies sa UP at naging apprentice pa sa Dulaang UP.
By: Avee Devierte