Nakalaya pansamantala ang aktor na si Kit Thompson matapos makapaglagak ng piyansa dahil sa kaniyang kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children.
Ito’y makaraang ireklamo si Thompson ng kaniyang nobyang si Ana Jalandoni dahil sa pananakit sa kaniyang aktor sa tinutuluyan nilang Hotel sa Tagaytay City nuong isang Linggo.
Kinumpirma ni Tagaytay City Chief of Police, Lt/Col. Rolando Baula na kasama ni Thompson ang kaniyang ina gayundin ang dalawang Abogado nito nang maglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P72K.
Kasunod nito, tumanggi nang magbigay ng kaukulang detalye si Baula hinggil sa kaso laban kay Thompson dahil kasalukuyan na itong dinirinig sa korte. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)