Nagtamo ng bukol sa ulo at mga galos ang aktres na si Irma Adlawan matapos makipagbuno sa nanloob sa kanyang bahay.
Ayon kay Irma, narinig niyang sumisigaw at tinatawag siya ng kanyang disisais anyos na anak na lalaki pasado alas onse ng gabi noong Biyernes.
Nang puntahan nya ang kanyang anak sa kanilang family room, doon niya nakita na nakikipaglaban ito sa suspek na si Ricardo Estorres na noo’y may balisong na nakatutok sa kanyang anak.
Kwento ni Irma, inagaw niya ang balisong kay Estorres at tinutukan niya ito sa leeg bago ito sumuko.
Samantala, nagtamo ng sugat sa daliri at kagat sa braso ang kanyang binatilyong anak.
By: Avee Devierte