Isiniwalat ng aktres na si Andrea Brillantes na tinamaan siya ng COVID-19.
Sa isang programa sa telebisyon, nilinaw naman ni Andrea na wala siyang nararamdamang anumang sintomas ng impeksiyon.
Binanggit din ng aktres na nakaapekto rin sa kanyang mental health ang insomnia at anxiety habang naka-quarantine.
Samantala, inamin din ni Andrea na madalas siyang binabangungot at nakakaranas ng sleep paralysis.