Inamin ng aktres na si Jackie Lou Blanco na tomboy ang panganay nilang anak ni Ricky Davao na si Rikki mae.
Ayon kay Jackie Lou, napa-iyak siya nang magtapat sa kanya ang anak ngunit ito aniya ay dahil sa may pangarap siya para sa kanyang mga anak.
Pero naisip ng aktres na mas mahalaga ang pangarap ng kanyang mga anak para sa kanilang sarili.
Sinabi ni Jackie Lou na tanggap niya ang sexual preference ni Rikki Mae at hindi aniya nagbago ang kanyang pagmamahal dito.
Sa malupit na mundong mayroon aniya tayo, ay pang unawa, suporta at pagmamahal ang kanyang maibibigay para sa panganay na anak.
By: Ralph Obina