Nagpakasal na ang aktres na si Nikki Valdez sa kanyang non-showbiz fiancé na si Luis Garcia sa Hongkong.
Suot ang puting wedding gown na likha ni Rajo Laurel, ipinasilip ni Nikki sa Instagram ang ilang larawan mula sa kanilang kasal.
Disyembre a-bente singko o Pasko noong isang taon nang ma-engaged ang dalawa sa Vigan, Ilocos Sur.
Una nang nagpakasal ang aktres sa Filipino-Canadian na si Christopher Lina sa isang civil ceremony noong Pebrero a-katorse 2017.
Nag-isang dibdib din ang dalawa sa simbahan sa Maynila noong July 7, 2007 at nagkaroon ng isang anak na babae.
Gayunman, naghiwalay sina Nikki at Christopher noong 2009 at nag-diborsyo noong 2011.