Inirereklamo ngayon ang isang Kapuso actress dahil sa kanyang pagmamaldita sa isang family trip kamakailan sa Siargao.
Sa pamamagitan ng Facebook post, hindi napigilan ng isang netizen na ilahad ang kanyang sama ng loob sa sikat na sikat na aktres dahil sa kabila ng maamo nitong mukha ay ang ugali nitong sobrang maldita.
Sa kanilang biyahe mula Siargao pabalik ng Maynila ay nakasabay nila ang sikat na mag-asawang artista, ang napakaganda nitong anak at ang kanilang mga kaanak na nagbakasyon din sa nasabing probinsya.
Ang magandang bata ay nagpapaikot-ikot sa airport hanggang sa napunta sa kinauupuan nila at kinausap ang kanyang mga batang pamangkin.
So adorable nga daw ang bata dahil palangiti ito at nagsasalita kahit pa hindi pa gaanong maintindihan dahil sa murang edad nito.
Biglang dumating si super mom na tila laser sword ang pagtingin dahil sa talas ng kanyang mata habang kinukuha ang kanyang anak.
Ang labi aniya nito ay nanggigigil at naka-ismid habang lumalakad papalayo sa kanila ngunit nang bumalik ito sa kanyang asawa ay in full smiles na naman ito.
Makailang beses na ring napabalita ang naturang aktres sa kanyang pagmamaladita at hindi magandang pakikitungo sa mga kapwa nito artista, staff at mga fans.
Clue…. ang kanyang asawa ay itinuturing na hari.. kaya naman siya naman ay tinatawag na reyna.. reyna ng primetime.
—-