Inabswelto ng korte ang anim na akusado sa pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla noong 2011, kabilang na ang kanyang kapatid na si Ramon Joseph Bautista.
Sa desisyon ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 274, pinawalang sala sina Bautista, Michael, Jay Nartea, Roy Francis Tolisora, Glaiza Visda, Jay Norwin Dela Cruz at Ryan Paster dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Kasunod ito, inutos na ng korte ang pagpapalaya sa mga akusado kung wala nang kinahaharap na ibang pang kaso ang mga ito.
Samantala, nagpalabas ng alias warrant of arrest ang Parañaque RTC laban kay Maria Ramona Belen Bautista, kapatid din nina Ramgen at Ramon Joseph na akusado rin sa kaso.
Ipagpapatuloy naman ang kaso laban kay Ramona Oras na maaresto ito.
Magugunitang 2011 nang pinasok ang tahanan nina Ramgen, anak ni dating senador Ramon Revilla Sr., kung saan ito napatay sa saksak at pamamaril habang sugatan ang kanyang kasintahan na sila Janelle Manahan.