Hinamon ng pambansang pulisya ang Lanao del Sur Chapter ng IBP o Integrated Bar of the philippines na maglabas ng ebidensya sa kanilang paratang.
Ito’y makaraang isiwalat ng grupo ang umano’y looting o pagnanakaw ng mga pulis at sundalo sa mga tahanang sinira ng bakbakan kontra sa maute terror group sa marawi city.
Ayon kay PNP Spokesman C/supt. Dionardo Carlos, dapat munang patunayan ng IBP ang kanilang akusasyon laban sa mga pulis at sundalo at nangangako silang hindi ito palalampasin.
Gayunman, sinabi ni Carlos na nakapagtataka aniyang sila lamang ang tinitingnan ng grupo at hindi man lamang pinupuna ang ginawang pag-okupa ng Maute sa mga bahay na ginawa nilang sniper house.
By: Jaymark Dagala