Pinabulaanan ng European Union (EU) ang akusasyon ng isang opisyal ng Malacañang na pinopondohan nito ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, maingat ang EU sa pagbibigay nito ng tulong sa mga grupong lumalapit sa kanila.
Iginiit ni Jessen, walang intensiyon at kailan man susuportahan ng EU ang naturang rebeldeng grupo.
Una nang sinabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Badoy na pinopondohan ng EU ang grupong may kaugnayan sa mga rebelde.