Walang batayan ang akusasyon ng pamilya Binay na hina-harass sila ng gobyerno sa pamamagitan nang pagtungo ng ilang tauhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bahay ng mga ito.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, pawang mga babaeng personnel ng DILG ang nagtungo sa bahay ng mga Binay para isilbi ang kautusan ng Ombudsman laban kay suspended Mayor Junjun Binay.
Sinabi ni Coloma na malabong gumawa ng harassment ang mga babaeng empleyado ng DILG na may responsibilidad na isilbi ang kautusan kahit gumagawa ng kuwento ang pamilya Binay na hindi naman aniya dapat paniwalaan ng publiko.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)