Itinanggi ng Meta, Parent Company ng Facebook (FB), ang alegasyon ni Atty. Larry Gadon na nag-usap si Vice President Leni Robredo at mga opisyal ng FB upang tanggalin ang accounts ng mga supporter ni presidential candidate Bongbong Marcos.
Ayon sa Meta, wala namang kumausap sa kanila mula sa kampo ni Robredo taliwas sa akusasyon ni Gadon, na isa sa mga senatorial candidate ng dating senador para sa May 9 elections.
Hindi naman anila sine-censor ang mapayapang political speech sa bansa at kung mayroon mang inaalis ay tanging mga content na lumalabag sa community standards ng Facebook.
Nilinaw ng meta na mayroon silang global process para sa government requests na magtanggal o mag-restrict ng contents na ipinatutupad din sa Pilipinas at iba pang bansa.
Ang Meta ay Parent Company din ng iba pang social media at messaging apps, tulad ng Instagram at Whatsapp.
Samantala, pinasingulingan din ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng pangalawang-pangulo ang pahayag ni Gadon.