Patunayan mo.
Ito ang hamon ni political science Professor Antonio Contreras kay Senador Grace Poe matapos aniya ang mabigat na akusasyon nitong pakawala sila ng malalakas na kalaban ng senador.
Binigyang diin ni Contreras na sariling gastos niya mula sa pamasahe, photo copy at iba pang bayarin kaugnay sa paghahain niya ng disqualification case laban kay Poe kaya’t hindi makatuwiran ang akusasyon ng senador.
Dapat aniyang mag-public apology si Poe dahil sa paninira sa kaniyang reputasyon.
By Judith Larino