Tinawag ni Senadora Leila de Lima na isang kabaliwan ang akusasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre hinggil sa umano’y alok na suhol sa mga presong tumestigo laban sa kanya.
Sinabi ni De Lima, hindi niya alam kung saan nakuha ni Aguirre ang impormasyon na dalawa umanong politiko ang nagtangkang manuhol ng 100 milyong Piso sa mga high profile inmate ng Bilibid para bawiin ang kanilang naging testimonya laban sa Senadora.
Una nang sinabi ni Aguirre na nag-alok ng suhol sina dating Senadora Jamby Madrigal at Biñan City Representative Maryln “len-len” Alonte-Naguiat.
Sinadya umano itong itaon sa pagdiriwang ng EDSA People Power Anniversary.
By: Avee Devierte