Ibinunyag ni Senator Antonio Trillanes ang posibilidad na miyembro ng triad si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Aniya nakuha niya ang impormasyon mula sa foreign intelligence.
“Binigay sa ‘kin ng foreign intelligence… Si Paolo Duterte member ng triad. Ang proof ng kaniyang membership, ang kanyang tattoo sa likod.” Ani Trillanes sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment na nakalusot sa bansa mula China noong Mayo.
Ayon kay Trillanes, mapapatunayan ito ng isang mala-dragong tattoo sa likod ng bise-alkalde.
“That’s the membership of triads. I am not making any baseless allegations here.” Dagdag ni Trillanes
Bagama’t inamin ni Duterte na may tattoo siya sa likod ay tumanggi ang bise alkalde na ipakita ang sinasabing tatoo nito at iginiit ang kanyang karapatan sa privacy.
PAKINGGAN: Bahagi ng mga pahayag nina Senator Trillanes at Vice Mayor Paolo Duterte
AR/ DWIZ 882