Umalma si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa akusasyong maanomalyang pagbili ng lokal na pamahalaan ng tablets para sa mga estudyanteng nag-o-online class.
Sinabi ni Malapitan na malinaw na pulitika ang motibo sa pagsasampa ng kaso laban sa city government na wala aniyang ibang layunin kundi makatulong sa blended learning ng mg grade 9 hanggang grade 12 students sa mga pampublikong paaralan.
Sa isang online post ipinakita ni Malapitan ang kopya ng bidding documents na patunay na dumaan sa tamang prosesdo ang kanilang biniling digital tablets.
Tiniyak ni Malapitan na haharapin niya ang kaso sa Ombudsman.
Una nang kinasuhan sa Ombudsman sina Malapitan at Education Undersecretary Alain Pascia dahil sa pagbili ng P320-M na halaga ng 44,000 digital tablets nang hindi umano dumadaan sa wasting bidding.
Kabilang sa mga naghain ng kaso ang mga konsehal ng lungsod na sina Christopher Pj Malonzo, Marylou Nubla at Alexander Mangasar at si Caloocan Congressman Edgar Erice.