Pumalag ang Commission on Elections (COMELEC) sa akusasyon na mayroong discrimination sa local media para sa unang presidential debate sa Linggo, February 21.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Director James Jimenez, mayroon silang inihandang media center na may kapasidad na 300 katao para sa coverage ng presidential debate.
Ipinaliwanag ni Jimenez na walang sinuman ang papayagang makapag-cover sa loob mismo ng debate hall.
“Na-misinterpret lang at kumalat na ang balita, sa katunayan po ay 25 na local media ang merong guaranteed na upuan sa loob ng debate hall, katapat ng venue, same floor merong media center, capacity noon 300 people, yung nagsasabi ng diskriminasyon, yung grupo na yung CDO Press Club, eh sila mismo merong 30 slots.” Pahayag ni Jimenez.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas