Umalma si Congressman Pantaleon Alvarez sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na humihingi siya rito ng 800 million pesos na campaign fund ng mga kandidato sa lalawigan ng Partido Reporma.
Sinabi ni Alvarez na kahit kailan ay hindi siya humingi ng pondo kay Lacson para sa local candidates ng kanilang partido.
Binigyang-diin ni Alvarez na kayang kaya nilang pondohan ang kampanya ng kanilang mga kandidato sa mga lalawigan.
Maaari aniyang ang tinutukoy ni Lacson ay pondo para sa poll watchers ng kanilang partido sa mismong araw ng eleksyon.—mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)