Pinabulaanan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang akusasyon na hindi nito ibinibigay ang benepisyo ng 50 OFW, kabilang na ang paralisadong Pinay na si Eugenia Perez, na naaksidente sa United Arab Emirates.
Ayon kay Albert Valenciano ng OWWA Policy and program Development Office, dalawang taon na nilang tinutulungan si Perez at ang iba pang OFW na nangangailangan ng medical assistance.
Sa katunayan aniya, kanila nang nabigyan ng P25,000 medical assistance si Perez, noong Enero 2, 2013.
Binigyang diin din ni Valenciano na nakikiupag-ugnayan na din sila sa kanilang partner agencies, upang matulungan ang iba pang OFW.
By Katrina Valle | Allan Francisco