Itinanggi ng Communist Party of the Philippines o CPP ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipagsabwatan ang NDF-CPP-NPA o ‘pulahan’ sa mga sinasabing ‘dilawan’ upang pabagsakin ang gobyerno.
Ayon sa CPP, wala silang alyansa sa Liberal Party o LP bagkus magkahalintulad lamang ang kanilang layunin na labanan ang diktaduryang Duterte.
Iginiit ng komunistang grupo na ang akusasyon ng Pangulo na mayroong pagsasabwatan o conspiracy ay may layuning pabagsakin ang mga political o social group na lumalaban sa mabagsik na pamamahala ng Duterte administration.
Samantala, itinanggi ni House Speaker Bebot Alvarez na may inilulutong destabilisasyon pero kanyang tiniyak na ipagtatanggol si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang tangkang pagpapatalsik dito.
Aminado rin si Defense Secrertary Delfin Lorenzana na walang namomonitor ang militar na anumang destabilization plans.
—-