Hindi maiaalis ang posibilidad na ginagamit para sa paglilikom ng pondo, ang mga Public-Private Partnership Projects ng pamahalaan.
Sinabi ito ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes, kasunod ng paglabas ng ulat na magbabayad ng P7.5 bilyong penalty ang pamahalaan sa Light Rail Manila Corporation, para sa extension ng LRT Line 1.
Ipinaliwanag ni Reyes na nakakapagtaka na sa kabila ng inilabas na pondo para sa pag-aayos ng mga riles, ay hindi pa din ito nasimulan, isang taon matapos ang dayalogo ng pamahalaan at ng naturang kumpanya.
“Bakit po papasok sa isang kontrata ang gobyerno na alam niyang hindi niya kayang i-deliver, mula po Oktubre noong nakaraang taon, umaasa po ba talaga ang gobyerno na maisasayos ang imprastraktura ng LRT 1? Hindi kataka-taka ang pag-suspetsa na may kinalaman sa fund raising ng susunod pang kontrata sa LRT na meron talagang sovereign guarantee, parehong kumpanya na naman ang mananalo sa mga bidding.” Giit ni Reyes.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc
Photo grabbed from: vimeo.com