Pinabulaanan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang panibagong alegasyong ibinabato ni House Minority Leader Rolando Andaya laban sa kanya.
Ito ay matapos sabihin ni Andaya na nabigo si Diokno na maglaan ng 857 million pesos na pondo sa Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Diokno, sapat ang pondo ng COMELEC para sa BOL plebiscite kung saan may nakalaang 111.8 million pesos na pondo mula sa 2018 General Appropriations Act at 95.8 million sa 2019 national budget.
Aabot din aniya sa 409.5 million pesos continuing appropriations ng COMELEC hanggang noong Setyembre ng taong 2018.
Dagdag pa ni Diokno, sakali namang kulangin ang pondo ng COMELEC para sa plebisito sa BOL, maaari namang humiling ng karagdagang pondo ang ahensiya na kukunin sa 2018 contingent fund ng executive department.
—-