Napatay sa Afghanistan ang pinuno ng Al Qaeda na si Ayman Al-Zawahiri.
Ito ang kinumpirma ng isang US Official matapos magsagawa ang Central Intelligence Agency (CIA) ng drone strike sa kabisera ng Afghanistan sa Kabul noong linggo.
Ayon sa mga otoridad, ito ay maituturing na pinakamalaking dagok sa teroristang grupo mula nang mapatay ang founder nitong si Osama Bin Laden noong 2011.
Mabaatid na si Zawahiri na isang Egyptian Doctor, na tumulong sa mga pag-atake noong 9-11, kung saan apat na eroplano ang na-hijack.
Ang mga naturang eroplano ang bumangga sa Twin Tower ng World Trade Center sa New York, ang Pentagon malapit sa Washington at isang field sa Pennsylvania, na ikinamatay ng halos tatlong libong indibidwal.