Nagbanta ang Al Qaeda na gagantihan nito ang Saudi Arabia sa ginawang pagbitay sa kanilang mga miyembro.
Ito ay bahagi ng kanilang New Year’s gift sa Riyadh Western allies.
Maliban sa ginawang pagpatay sa isang Shi-ite cleric sa isang mass execution noong January 2 na siyang ugat ng iringan ng Saudi Arabia at ang kalaban nitong Iran, karamihan sa 47 binitay ay mga Al Qaeda militants na nahatulan sa salang pambobomba at gun attack sa Saudi.
Sa isang pahayag na may petsang January 10, sinabi ng Al Qaeda Yemeni Branch at ang North African wing nito na ipinagpatuloy pa rin ng Riyadh ang pagbitay sa kabila ng babalang huwag na itong ituloy.
By Mariboy Ysibido