Magsasampa ng mga panibagong kaso ang Ombudsman laban kay dating Metro Rail Transit Authority General Manager Al Vitangcol III.
Kakasuhan si Vitangcol ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y tangkang pangingikil nito ng 30 milyong dolyares sa Czech Company na Inekon.
Pinilit din umano ni Vitangcol na sumosyo ang Inekon sa Philippine Trans Rail Management and Services Corporation para sa maintenance ng MRT 3.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pinagbatayan niya ang mga pahayag nina Czech Ambassdor Josef Rychtar at Inekon Representative Joseph Husek sa paghahain ng mga bagong kaso laban kay Vitangcol.
By Avee Devierte