Ginunita ni Retired Col. Wilfredo Tato ang mga alaala ng kanyang anak na si 1st Lt. Sheena Alexandrea Tato, isa sa 52 nasawi sa pagbagsak ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu.
Aminado ang nakatatandang Tato na nabigla siya nang hindi na umuwi sa kanila ang anak na nurse ng Philippine Air Force.
Ayon kay Ginoong Tato, noong unang mabalitaan sa boyfriend ng anak ang trahedyang sinapit nito, halos mabalisa siya at hindi naniwala hanggang sa na-tuliro silang lahat at tinanggap ang katotohanan.
Wala naman anya silang sinisisi sa Armed Forces of the Philippines o sinuman dahil diyos lamang ang naka-aalam sa tadhana ng kanyang anak at iba pang nasawi.
Pangarap ni Rea na maging doktor at pumasok sa militar bilang nurse habang pinag-iipunan ng pamilya ang kanyang tuition.
Sa ngayon ang tanging hiling ni Wilfredo ay huwag ibaon sa limot ang naging sakripisyon ng anak. —sa panulat ni Drew Nacino