Kailangang manalo ng Alab Pilipinas kontra Singapore Slingers kapag nagharap ang dalawang koponan sa Game 2 ng ASEAN Basketball League Semi-finals sa Biyernes.
Ayon kay Alab Pilipinas Coach Mac Cuan, mahalagang maipanalo nila ang ikalawang game ng best of three semis dahil natalo na sila sa unang game noong Linggo.
Aminado si Cuan na nabigo silang magapi ang koponan ng Singapore dahil kay Xavier Alexander kahit unang napigilan ng Alab ang Slinger na si Justin Howard.
By Avee Devierte
Photo Credit: ASEAN Basketball League