Abot kamay na ng Pilipinas ang ikatlong puwesto para sa ASEAN Basketball League na ginagawa ngayon sa Singapore.
ITO’Y makaraang maungusan ng Alab Pilipinas ang koponan ng Singapore sa kanilang overtime sa iskor na 64-62.
Maliban sa matinding depensang naipakita ni Jens Knuttles, naging susi rin sa pagkapanalo ng Pilipinas ang isang three point shoot nito sa nalalabing labing siyam na segundo ng laban.
Bagama’t hawak ng Singapore ang lamang sa unang quarter pa lamang ng laban, nagawa namang makahabol ng Pilipinas at maungusan ito sa huling quarter.
By Jaymark Dagala