Patay sa umano’y heat stroke ang 17 baka sa isang pastulan sa Bangued, Abra.
Ayon sa ulat, napabayaan ang mga ito na nakabilad sa araw.
Sa nakalipas na tatlong linggo, nakaranas naman ng pag-ulan ang lalawigan, pero nitong Lunes ay naging tirik ang araw.
Idinulog na sa Provincial Veterinary Office ang nangyari at iniutos na ilibing na ang mga nasawing baka.
Payo naman nila na ilagay sa lilim ang mga alagang baka kapag matindi ang sikat ng araw para maiwas sa heat stroke.—sa panulat ni Rex Espiritu