Kung sa Pilipinas ay halos buong taon na mainit ang panahon, ang isang lugar naman sa India, ang may pinakamataas na highest rainfalls sa buong mundo.
Kung bakit, alamin.
Ang lugar ng Mawsynram sa India na matatagpuan sa bundok ng Khasi Hills sa Meghalaya State ay ang tinatawag na Wettest Place in the World o lugar na palaging basa dahil sa madalas na pag-ulan dito.
Nagtutuluy-tuloy ang ulan sa lugar na ito tuwing monsoon season o mula June hanggang September. Dahil sa malakas na pag-ulan, prone ang mawsynram sa fogs, landslides, baha, at madalas pang mawalan ng kuryente.
Ang paraan naman ng mga naninirahan dito upang hindi gaanong marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan ay ang paglalagay ng damo sa bubong.
Bukod dito, malaking tulong din sa kanila ang tradisyonal na payong na tinatawag na knup na walang hawakan dahil ipinapatong lang ito sa ulo.
Itinuturo namang dahilan ng palagiang pag-ulan sa nabanggit na lugar ay dahil nasa 1400 meters above sea level ito.
Umaakyat sa kabundukan ang hangin na dumadaan sa Bay of Bengal tuwing monsoon season at nagko-condensate roon ang water vapor na siyang nagreresulta sa pag-ulan.
Samantala, napag-alaman naman na ang khasi community na pinagmulan ng karamihan sa mga nakatira sa Mawsynram ay isa sa mga huling Matrilineal Society na nag-eexist na kung saan ay apelyido ng mga nanay ang ginagamit ng kanilang mga anak at ang bunsong anak na babae ang nagmamana sa kanilang mga ari-arian, in short, mga kababaihan ang mas nasusunod.
Ikaw, gugustuhin mo bang bumisita sa malamig na lugar ngunit palaging inuulan?