Ang mais o corn ay ikalawa sa mga pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Ito ay sagana sa bitamina at mineral na nakatutulong upang mapababa ang kolesterol at para magkaroon ng maayos na paningin at kutis.
Taglay rin ng mais ang dietary fiber para sa maayos na pagdumi.
Napag-alaman din na nakatutulong ang pagkain ng mais para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia dahil sa taglay nitong iron na kailangan sa pagbuo ng red blood cells.
Ang iron deficiency ay isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagkakaroon ng anemia.–-sa panulat ni Airiam Sancho