Marami na ang nagbago dahil sa COVID-19 pandemic dahilan upang maging conscious na ang publiko, lalo sa kanilang hygiene.
Ayon sa mga eksperto, ilan sa mga iniiwasan kahit noon pa ay ang body odor, anuman ang tawag sa tagalog, baktol, anghit o putok, suma-tutal, mabantot pa rin.
Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang body odor, una labhang mabuti ang mga damit, panatilihing malinis ang sarili lalo ngayon na halos naliligo maya’t maya ng alcohol ang publiko.
Gumamit ng tawas pagkatapos maligo o deodorant nang maiwasan din ang pagkakaroon ng amoy sa katawan.
Iwasan ang mga pagkaing may matapang na lasa o mga maanghang tulad ng sili, bawang at sibuyas na dahilan din kung bakit nagkakaroon ng amoy ang katawan.
Maaari kasing mapunta sa pawis ang amoy ng mga pagkaing ito at magdulot din ng body odor. —sa panulat ni Drew Nacino