Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang ilang paaralan sa Metro Manila at mga lalawigan bukas, December 8 dahil sa iba’t ibang okasyon.
Sa bisa ng Proclamation No. 367 ng Tanggapan ng Pangulo, idineklarang special non-working day ang December 8 sa buong lalawigan ng Batangas.
Wala ring pasok sa bayan ng Agoo sa La Union, Angeles City sa Pampanga; Antipolo City at Taguig City dahil sa anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang mga lungsod at munisipyo.
Para naman bigyang daan ang Marikina Teacher’s Day ay wala ring pasok sa mga paaralan sa nasabing lungsod bukas.
Samantala, ilang mga paaralan naman ang nagdeklara ng suspensyon ng klase para sa dakilang kapistahan ng Immaculada Concepcion gaya ng Colegio de San Juan de Letran (Manila at Bataan campus); Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte; Holy Cross of Davao College at University of Santo Tomas.
—-