(HEALTH)
Habang nalalapit na ang bakasyon, marami na ang nagbabalak na magtungo sa mga beach o sumabak sa ilang mga outdoor activities na tiyak namang magdudulot ng pinsala sa balat tulad ng sunburn.
Ang sunburn ay mapula, mahapdi, mainit at minsang makati na pakiramdam sa balat matapos na magbabad ng iulang oras sa araw.
Kaya naman, narito ang ilang mga paraan para malunasan at maibsan ang hapdi na dulot ng sunburn.
Una ay ang paglalagay ng cold compress na makatutulong para mabawasan ang pamamaga at kirot ng paltos na dulot ng sunburn sa balat.
Isa ring magandang lunas sa sunburn ang aloe vera gel na kilalang epektibong natural na gamot sa minor burns gaya ng paltos na dulot ng sunburn.
Nakatutulong din ang aloe vera para ma-rehydrate ang nasunog na bahagi ng balat at magpapadali sa proseso ng paggaling nito.
Huli ay ang suka na nakatutulong para sipsipin ang init sa balat dulot ng sunburn.
Ihalo lamang ang suka sa malamig na tubig, isawsaw dito ang isang malambot na tela saka marahang ipahid sa apektadong bahagi ng balat.
—-