Pansamantalang tinanggal ng Land Transportation Office (LTO) ang alarm tag sa mga sasakyang may traffic violations habang suspendido ang no-contact apprehension policy.
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, nagpadala na siya ng liham sa local government units na nagpatupad ng ncap upang i-deactivate ang alarm at payagan ang registration ng mga sasakyang mayroong violations.
Tatlong lgu na anya ang tumalima sa hirit ng LTO, kabilang ang Quezon City na mayroong 1,190 alarms; Parañaque City, 93,083 at Bataan na may 7,616 alarms.
Gayunman, nilinaw ni Guadiz na sakaling ideklara ng Supreme Court na balido ang ncap, i-re-re-tag ang alarms sa kanilang system at mag-re-reflect ang mga multa sa susunod na renewal para sa registration.
Agosto a – 30 nang maglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order para sa indefinite suspension ng ncap.