Nakabawi na ang Alaska Aces sa kanilang pagkatalo sa Game 1 kontra Globalport Batang Pier sa semi-finals ng 2016 PBA Philippine Cup.
Inilampaso ng Aces ang Globalport sa Game 2 sa score na 100-76, sa isang dikdikang sagupaan sa Araneta Coliseum, Quezon City, kagabi.
Nagka-initan naman sa 1st quarter sina Calvin Abueva ng Alaska at Anthony Semerad ng Globalport bunsod ng sunud-sunod na technical fouls.
Gayunman, napigilan ng Aces sa pangunguna ni Chris Banchero na nagpakawala ng 18 points ang muling pag-init sa court ni Batang Pier Star point guard Terrence Romeo na kumamada lamang 20 points sa Game 2 kumpara sa career high nitong 41 points sa unang game.
Dahil dito, naungusan ng Aces ang Globalport ng 32 points sa 2nd half hanggang sa mapaliit ang kalamangan sa 24 points sa huling quarter upang itabla sa kartadang 1-1 ang standing ng dalawang team.
By Drew Nacino
*Photo: PBA Images