Niyanig ng 7.1 na lindol ang Alaska.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang epicenter ng lindol ay naitala 52 miles silangan ng Old Iliamna, Alaska.
Ang lindol ay naramdaman din sa Anchorage kung saan apektado ang 10,000 na residente ng power outages.
Wala namang itinaas ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center dahil sa lindol.
Marso 27, 1964, naitala ang 9.2 magnitude na lindol sa Alaska na ikinamatay ng 130 katao.
By Mariboy Ysibido