Kinumpleto ng Alaska Aces ang three-game sweep laban sa PBA Govenors’ Cup Champion Star Hotshots sa score na 82-77 sa Smart-Araneta Coliseum, kagabi.
Ang Alaska ay tinapos ang Star sa tatlong laro kaya’t nakapasok sa Finals at hinihintay na lamang ang mananalo sa serye ng San Miguel at Rain or Shine.
Bagama’t nalimitahan sa 19 points si Import Romeo Travis bunsod ng matinding depensa ng Star ay hindi ito naging hadlang upang maipakita ng Aces ang bangis nito.
Samantala, sisikapin ng Elasto Painters na maungusan ang beermen sa Game 3 ng kanilang semifinals showdown mamayang alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Una nang nakabuena mano sa serye ang Beermen, subalit nakaganti ang Elasto Painters nitong Sabado sa game two sa score na 113-110 kahit nabaon ito ng 20 points sa unang yugto ng laro.
By Jelbert Perdez