Niyanig na magnitude 8.2 na lindol ang Alaska Peninsula.
Ayon sa US Geological Survey ang nasabing lindol ay mayroong lalim na 35km.
Una nang nag isyu ng tsunami warning ang US Tsunami Warning System para sa US Pacific Territories ng Guam at Northern Mariana Islands.
Tinaya naman ng European Mediterranean Seismological Centre ang magnitude 8 na lindol at may lalim na 10km.