Kumamada si Malcolm Hill ng 28 points, kabilang ang isang jumper may 74 seconds ang nalabi sa panalo ng Star laban sa Alaska sa score na 101-92 sa PBA Governor’s Cup sa Ynares Center, Antipolo City.
Nakalamang ang Alaska sa unang bahagi ng laro pero nakahabol ang Hotshots pagsapit ng third quarter.
Sumandal naman kay Hill ang Star sa fourth quarter hanggang sa makuha nila ang 99-91 lead na humantong sa kanilang tagumpay.
Natuwa naman si Star Head Coach Chito Victolero sa naging performance ni Hill dahil ito ang unang laro niya sa koponan.
Sa isa pang laro, nakapagtala naman si Michael Craig ng triple-double habang tumipa naman si Troy Rosario ng 18 points dahilan upang masikwat ng TNT ang 106-96 victory laban sa KIA.
- Gilbert Perdez