Umaasa ang Alaska team management na ipagpapatuloy ng Converge ICT Solutions ang winning tradition ng Aces sa Philippine Basketball Association (PBA).
Aminado si dating Alaska owner Wilfred Uytengsu na ikinagagalak niya na isang top telecommunication service provider sa bansa ang nag-take over sa franchise.
Nagpasalamat din si Uytengsu kay Converge Owner Dennis Anthony Uy sa pagtiyak na magpapatuloy ang bagong direksyong tatahakin ng Alaska sa ilalim ng panibagong management.
Matapos ang takeover sa Alaska, siniguro rin ng Converge na kikilalanin nito ang mga kontrata ng mga team player na at kasalukuyang coaching staff.