Target ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo na mapabilang sa Guinness World Record ang gagawing alay lakad pilgrimage ngayong taon.
Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, plano nilang maipasok sa guinness world record ang ‘Alay Lakad’ bilang ‘largest gathering for a walking spiritual pilgrimage in 12 hours’, na magsisimula ng alas-sais ng gabi sa Huwebes Santo at magtatapos ng alas-sais ng umaga sa Biyernes Santo.
Dahil dito, hinimok ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na makiisa sa 17-kilometer pilgrimage patungo sa nasabing dambana sa Antipolo.
Batay sa datos ng Rizal Police, noong nakaraang taon ay pumalo sa 7.4 million devotees ang nakiisa sa nasabing prusisyon.—sa panulat ni John Riz Calata