Kapag ang ordinaryong tao ay naglakad sa initan ng 20 kilometro, asahang may hingal kabayo na ito.
Pero kakaiba ang mga miyembro ng Mariners Band, na naglakad ng 20 kms na hindi tumitigil sap ag-ihip at pagtugtog ng kanilang mga instrumento.
Sa temang “Pagkaburunyog, Lakaw Para Sa Sarong Tanog” o “Pagkakaisa, Lakad Para Sa Iisang Tunog”, isinulong ng Mariners Band ang kanilang kakaibang reunion na inialay nila sa Diyos nitong nakaraang Semana Santa.
Ito ay nilahukan hindi lamang ng mga kasalukuyang miyembro ng naturang banda kundi pati na rin ng mga alumni nito na hindi pa rin nakakalimutan ang pagtugtog.
Ang Mariners Band ang kauna-unahang banda na nag-alay lakad habang ginagamit ang kani-kanilang instrumento.
Nagsimulang maglakad ang banda ng Mariners mula sa Metropolitan Cathedral sa naga City hanggang sa Calabanga, Camarines Sur.
Sa dulo ng naturang alay-lakad matutunghayan ang pahalik sap aa ni ‘Hinulid’, kung saan makikitang nakahiga ang poon ni Hesus.
Sino ang Mariners Band?
Ang Mariners Band ay isang grupo ng mga musikero sa ilalim ng Mariners Polytechnic Colleges, isang kolehiyo sa Camarines Sur.
Ayon sa band director nito na si Mr. Edgar Esplana o “Sir Gagay”, ang Mariners Band ay kinabibilangan ng mga estudyante ng naturang kolehiyo na mga scholar na rin.
Ani Sir Gagay, tumutugtog ang banda ng Mariners hindi lamang sa loob ng kolehiyo bagkus iniimbitahan rin anya sila sa mga prosesyon maging sa mga parada.
Sa katunayan, ayon sa mga Bicolano, isa ang Mariners Band sa kinikilalang marching band sa rehiyon dahil na rin sa mga iniuwi nitong mga parangal mula sa regional at national competitions.
Ayon kay Sir Gagay, nakapag-uwi sila ng dalawang magkasunod na panalo sa Muntinlupa City at sa Bacoor, Cavite, at maging sa Subic din.
Hindi umano madaling manalo sa mga ganitong kumpetisyon dahil k ailangan ng puspusang training at mga sekretong sangkap para makamit ang tropeyo na kanilang inaasam.
Si Sir Gagay ay isang dating assistant band director ng naturang banda at sa tulong na rin ng kanyang passion sa pagtugtog ay natulungan nyang makapag-tugtog ang mga gustong maging musikero.
Bakit Alay-Lakad ang ginawang reunion ng Mariners Band?
Kakaibang pagtitipon-tipon ang naisip ng Mariners Band dahil sa totoong larawan ng isang reunion ay may magarbong handaan at magdamag na kasiyahan.
Iisipin ring kahibangan ang maglakad ng malayo’t bumuga ng hangin para patugtugin ang kanya-kanyang instrumento.
Ngunit posible aniya ito ayon kay Sir Gagay at mga miyembro ng naturang banda dahil sa bawat gawa ay dapat palaging numero uno ang Diyos.
Ani Sir Gagay, isang maliit na bagay lamang ito bilang pagbibigay pugay sa Maykapal sa pagbigay ng talento na makapag-tugtog.
Ito rin ang naging dahilan ng mga lumahok sa alay-lakad at kung bakit nila binabalikan ang kanilang ‘first love’ – ang pagtugtog.
Makikita na nag enjoy ang mga miyembro at naging miyembro ng Mariners Band sa kanilang reunion kung saan kanila na ring inialay ito bilang kanilang panata.
Maliban sa paglalakad, nagsilbing Visita Iglesia na rin ang kanilang alay-lakad dahil humihinto sila para magdasal sa bawat simbahan na nadadaanan nila.
Kabilang sa kanilang mga hinintuang simbahan ay ang simbahan ng Canaman, Magarao, Bombon at Quipayo.
Ang naturang reunion ng ay pangalawang beses nang isinagawa ng Mariners Band, ang una ay noong 2011.
PAKINGGAN: Mensahe ni Sir Gagay para sa mga alumni ng Mariners Band at sa mga musikero
By Race Perez
Mas kilalanin pa ang Mariners Band sa mga videos na ito na inupload ng mga netizens sa Youtube: