Inamin ni House Committee on Legislative Franchise Vice Chairman at Isabela Rep. Antonio Albano na nakaramdam sila ng pressure sa mismong pahayag ng Pangulo na ayaw na niyang ma-renew pa ang prangkisa ng ABS-CBN.
Gayunman kumambyo agad si Albano at sinabing walang direktang iniuutos o sinasabi ang Pangulo sa kanila hinggil sa nasabing prangkisa ng ABS-CBN.
Ani Albano nape-pressure din sila sa mga lumalabas na sa ABS-CBN kung saan sumasalamin sa imahe ng kongreso.
Kasabay nito, tiniyak ni Albano na magiging patas at pag-aaralang mabuti ang usapin sa prangkisa ng media network na nakatakdang mapaso sa March 30, 2020.